IMPEACHMENT VS PRES. NG SOUTH KOREA, ISINUSULONG NA SA BANSA

South Korea – Kasalukuyang isinusulong na ng mga mambabatas sa South Korea ang pagtatanggal kay South Korean President Yoon Suk Yeol matapos nitong magdeklara ng martial law sa bansa noong Disyembre 3.

Ito ay sa kabila rin ng umano’y pag-akusa sa presidente na ang dahilan ng pagdedeklara ng martial law nito ay upang matigil ang mga imbestigasyon ukol sa mga kriminal na gawain nito at ng kanyang pamilya.

Ang deklarasyong ito ng SK president ang kauna unahang martial law ng South Korea matapos ang halos apat na dekada.

Ang pag-aanunsyo umano nito ay hindi lamang nakaapekto sa mga mamamayan ng bansa, kundi pati na rin sa mga kaalyadong nasyon at organisasyon ng bansa.

Ayon sa mga mambabatas, ito ay isang krimen na hindi na dapat bigyan ng pardon, dahil umano’y isinulong ng presidente ang naturang batas para lamang makaiwas sa paglilitis ng mga awtoridad sa kanya.

Nito lamang umaga, iprinesenta na ng mga mambabatas ang impeachment motion para sa presidente sa parlyamento

Sa ilalim ng batas ng South Korea, ang nasabing motion ay dapat mapagbotohan sa loob ng 24 at 72 hours matapos maiprisenta sa parlyamento.

Share this