BILANG NG MGA PILIPINONG MAY TRABAHO, BAHAGYANG BUMABA NOONG OKTUBRE 2024 — PSA

Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong mayroong trabaho at negosyo noong buwan ng Oktubre habang palapit ang araw ng kapaskuhan, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa ulat, tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho noong Oktubre sa 96.1%, mas mababa sa datos na naitala noong Setyembre na 96.3%, ngunit mas mataas naman sa 95.8% noong Oktubre ng nakaraang taon.

Habang may pagtaas din na nakita sa unemployed filipino na 3.9% noong oktubre, subalit tumaas naman ang mga Pilipinong nasa part-time job o ang underemployment rate ng Pilipinas sa 12.6% , mula sa 11.9% noong Setyembre.

Ayon kay National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, mula October 2023 hanggang October 2024, nagmula ang pinakamalaking pagtaas sa bilang ng mga may trabaho sa sektor ng mga sumusunod:

a. Administrative and support service activities (247 thousand)
b. Accommodation and food service activities (215 thousand)
c. Transportation and storage (202 thousand)
d. Construction (121 thousand)
e. Mining and quarrying (101 thousand)

Taliwas naman dito, nagmula ang pinaka malaking pagbaba sa bilang ng mga walang trabaho sa sektor:

a. Fishing and aquaculture (-213 thousand)
b. Wholesale and retail trade; repair of motor vehicles and motorcycles (-212 thousand)
c. Agriculture and forestry (-183 thousand)
d. Manufacturing (-123 thousand)
e. Other service activities (-23 thousand)

Giit ni User. Mapa, ang pagbaba sa bilang na mga Pilipinong walang trabaho noong oktubre ay posibleng bunsod pa rin ng tatlong malalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas.

Kaya naman ang ilan sa mga Pilipino ang hindi nakahanap ng trabaho.

Sa mga rehiyon, Calabarzon ang nagtala ng pinakamataas unemployment rate na 5.7% noong October, habang ang Cordillera Administrative Region ang nakapagtala ng pinakamababang unemployment rate na 2.3%.

Share this