Manila, Philippines – Nagsagawa ng mga maritime exercise ang pinagsanib pwersa na defense forces ng Pilipinas, Estados Unidos, at Japan para sa pagpapatibay ng pandaigdigang ugnayan ng Indo-Pacfic.
Matatandaan na una ng nagsagawa ng pagpupulong ang Armed Forces of the Philippines o AFP upang pagusapan ang 5th Multilateral Maritime Cooperative Activity.
Kasama sa pagpupulong na ito ang maritime forces ng Australia, Japan, at United States, pati na rin ang ilang mga maritime defense experts, upang pagusapan ang iba’t ibang stratehiya at proseso upang masolusyunan ang mga problemang pansiguridad sa Indo-Pacific Region.
Ang nasabing Multilateral Maritime Cooperation activity ng mga bansang ito sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay upang palakasin pa ang interoperability sa pagitan ng mga nasabing nasyon.
Ang pagsasagawa ng aktibidad na ito ay paraang naaayon sa internasyonal na batas at may pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng nasyon at sa mga karapatan at interes ng iba pang mga estado.