IMBESTIGASYON SA CONFIDENTIAL FUNDS NG OVP, DEPED, TATAPUSIN NA NG HOUSE PANEL

Manila, Philippines – Kinumpirma ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Manila 3rd District Representative Joel Chua na isasapinal na ng komite ngayong Lunes (Disyembre 09, 2024) ang mga pagdinig tungkol sa P612.5 million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) habang si Vice President Sara Duterte pa ang kalihim nito.

Ayon kay Chua, matapos ang pitong hearing, naisakatuparan na ng komite ang kinakailangang imbestigasyon kaugnay ng isyu at na marami nang batas kaugnay nito ang isasapinal na at isusumite na ngayong linggo.

Susumahin na rin ng komite ang kanilang imbestigasyon upang bigyang-daan din ang proseso para sa dalawang impeachment complaint laban kay Duterte, kung saan kabilang din sa reklamo ang mga alegasyon kaugnay ng confidential funds.

Saad ni Chua, hahayaan na nilang sa pagproseso na ng impeachment complaint sagutin ni Duterte ang iba pang mga alegasyon kaugnay nito.

Dagdag nya pa, magiging available ang mga committee findings sakaling hingiin at kailanganin ito ng House Committee on Justice sa deliberasyon ng impeachment complaints laban kay Duterte.

Share this