PRESYO NG GASOLINA, MAY PAGTAAS; KEROSENE, DIESEL, MAY ROLLBACK

Manila, Philippines – Halos dalawang linggo bago ang kapaskuhan, may nakaamba pang magkahalong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sa abiso ng ilang mga kumpanya ng langis, may napipinto na namang dagdag-singil sa presyo ng gasolina, habang tapyas naman muli ang asahan sa presyo ng diesel at kerosene.

Epektibo simula sa Martes, madaragdagan ng P0.40 kada litro ang halaga ng gasolina.

Sinundan nito ang halos pisong dagdag-singil sa gasolina noong nakaraaang linggo.

Samantala, may P0.50 at P0.75 naman na bawas sa kada litro ng diesel at kerosene ngayong linggo, mula sa rollback din noong nakaraan.

Iniuugnay pa rin ang mga paggalaw na ito sa mga nakaraang geopolitical developments sa mga bansang pinagkukunan ng langis.

Share this