405 INDIBIDWAL NA NAKINABANG SA CONFIDENTIAL FUND NG OVP, DEPED, WALANG BIRTH RECORD SA PSA

Manila, Philippines – Isiniwalat ng House Committee on Good Government and Public Accountability na ang 405 o 60% ng 677 indibidwal na nakinabang sa Confidential Fund (CF) ng Department of Education (DepEd) at Office of the Vice President (OVP) ay walang mga birth record sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Tinutukoy sa bilang na ito ang mga indibidwal na tumanggap ng confidential fund na kabilang sa acknowledgement receipt na isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit (COA). Kasama na rito si “Kokoy Villamin.”

Samantalang ang natirang 272 sa naturang recipient ng Confidential fund ay hindi rin matukoy ang pagiging lehitimo ng record dahil ang ilan sa mga ito ay may kapareho ng pangalan.

Ayon kay House Committee Chair Joel Chua at Representative Zia Adiong, 612.5 Million ang kabuuang halaga na pondo ang nakuha ng mga indibidwal.

Kamakailan, inilabas ng PSA na walang record si “Mary Grace Piattos” na kasama rin sa acknowledgement receipt ng birth certificate, marriage, maging death record.

Mula ng simulan ng komite sa kamara ang imbestigasyon sa umano’y maling paggamit ng OVP at DepEd ng confidential fund, mariin nang itinatanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga inaakusa sa kanyang opisina.

Noong nakaraang linggo, umabot na sa dalawang impeachment complaint ang inihain sa vice president, bunsod ng umano’y pananamantala nito sa pondo at pagsira sa tiwala ng taumbayan.

Share this