OFFICE OF THE PRESIDENT GUMASTOS NG MAHIGIT SA P4B SA CONFIDENTIAL AT INTELLIGENCE FUND – COA

Manila, Philippines – Inihayag ng Commission on Audit (COA) na gumastos ang Office of the President (OP) ng mahigit sa P4.56 billion ng pinagsamang confidential at intelligence funds ngayong 2023, kapareho nang nakaraang taon.

Base sa inilabas na annual report ng COA gumastos ang OP ng P2.25 billion at P2.31 billion sa confidential at intelligence funds nito ngayong taon.

Paliwanag ng COA ang naturang pondo ay may kinalaman sa gastusin sa surveillance activities sa mga civilian government agencies para suportahan ang mandato o mga operasyon.

Maliban dito, gumugol ang OP ng P2.3 billion sa intelligence fund na ginamit naman para sa mga expenses may kinalaman sa intelligence information gathering activities ng uniformed and military personnel, at intelligence practitioners na may direktang epekto sa pambansang seguridad.

Sa hiwalay na ulat, ibinunyag naman ng COA na ang Office of the Vice President (OVP) ay gumastos ng P375 milyon bilang kumpidensyal na gastos noong 2023, halos triple sa halagang naitala noong nakaraang taon.

Samantala, pumapangalawa sa may malaking nagugol na pondo para sa confidential fund ang Department of Justice na may P683,853,000 na sinundan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may limang daang milyong piso.

Share this