Manila, Philippines – Sa tuluyang pagsasara ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, kanselado na ang mga lisensya ng mga ito sa darating na ika-15 ng Disyembre ngayong taon.
Ang pagkakansela ng mga lisensya ng mga POGO sa bansa ay isang hakbang upang tuluyan nang maipasara ang mga pag-o-opera nito.
Ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco, sa paparating na December 15 ay revoked na ang mga ito.
Ito ay bilang pagresponde sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tanggalin na ang mga POGO operations sa bansa sa kanyang nakaraang State of the Nation Address (SONA).
Dagdag pa ni Tengco, wala ng renewal ng lisensya o permits ang mga ito sa mga susunod pa na taon.
Ilan na dito ang tinangggal ng PAGCOR, kung saan ang bilang ng mga offshore gaming operators at service providers sa bansa ay nasa humigit-kumulang 60 na lamang, mula sa 300 mga POGO at Internet Gaming License (IGL), ayon kay Tengco.
Sa kabila niyan, binilinan na ang mga dating nag-o-opera ng mga POGO na makipagkoordina sa Bureau of Immigration (BI) upang asikasuhin ang mga working visas nito.