Manila, Philippines – Sa kabila ng hindi pagpansin ni Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) probe sa kanya, sinabi nito na wala siyang balak tumakas o magtago sa mga awtoridad, kung maghain man ang mga ito ng arrest warrant.
Ani Sara, handa siya ma-detain kung sakaling humarap siya sa warrant of arrest na ihahain sa kanya, isa na sa dahilan ang kanyang mga anak.
Nakahanda umano ang bise presidente sa mga worst case scenarios sa mga haharapin nitong mga kaso, ilan na dito ang mga impeachment complaints mula sa iba’t ibang organisasyon.
Sinabi niya na ang pag hindi niya pakikipagkoopera sa dapat imbestigasyon sa kanya ng NBI ay wala ng saysay dahil sa nauna nang natukoy ng mga ito ang mga kasong isasampa sa kanya.
Kaugnay pa rin ito sa kanyang sinabi noong nakaraang press conference patungkol sa planong pagpapapatay niya sa presidente at first lady ng bansa, kung saan rumesponde ang pangulo at ng iba pang kagawaran ng hustisya kung saan hindi na nila ito pinalagpas dahil isa na itong pagbabanta sa lider ng bansa.
Gayunpaman, hindi naman nagsisisi ang bise presidente sa kanyang mga sinabi bilang ito ay magiging proteksyon niya kung sakali raw na siya ay mawala.