VIC SOTTO, NAGHAIN NA NG REKLAMO LABAN SA FILMMAKER NA SI DARRYL YAP

Manila, Philippines – Naghain na ng reklamo ngayong araw ang actor, TV host, at comedian na si Vic Sotto sa Regional Trial Court (RTC) sa Muntinlupa City kasama ang kanyang asawa na si Paulene luna laban sa direktor na si Darryl Yap.

Cyberlibel ang isinampa nitong kaso laban kay Yap na may 19 counts at 35 million lawsuit, kaugnay pa rin yan sa inilabas ng direktor na teaser noong January 2 na pinamagatang “The Rapists of Pepsi Paloma,” kung saan nadawit ang pangalan ng TV host. 

Sa naturang teaser ng nasabing pelikula makikita ang pagganap ng aktres na si Rhed Bustamante, bilang si Paloma kasama sina Gina Alajar, Mon Confiado at iba pa, kung saan nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa February. 

Nang matanong naman si Sotto sa isang panayam kung ano ang naging unang reaksyon nito sa teaser, sinabi nitong inaasahan na raw niya ito lalo na att nakaraang taon pa nya naririnig ang tungkol sa teaser.

Ang pagsasampa rin daw niya ng kaso ay salamin na ng kanyang reaksyon sa kontrobersiya, wala rin daw personalan, at naniniwala raw sya sa justice system ng bansa. 

Kaugnay naman niyan, nagpost si Yap sa kanyang social media hinggil sa isinampang kaso laban sa kanya. 

Nakasaad sa naturang post ang ”Kalayaan ng kahit sinong ang magsampa ng reklamo,” 

Samantala, inaprubahan na rin ng RTC branch 205 ang inihaing petisyon ni Vic na Writ of Habeas Data na nagbibigay kautusan sa direktor na ihinto ang pagpopost ng teaser, videos, o anumang promo materials gayundin ang pagpapalabas ng naturang pelikula.

Share this