TRILLANES, NAGSAMPA NG SUPPLEMENTAL AFFIDAVIT VS. PAOLO DUTERTE

Manila, Philippines — Naghain si dating senador at aspiring Caloocan Mayor Antonio Trillanes IV ng supplemental affidavit sa Department of Justice (DOJ) para sa kasong isinampa nya laban kay Davao City 1st District representative Paolo Duterte at ilan pang indibidwal.

Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na nilalaman ng supplemental affidavit na ito ang mga karagdagang ebidensya mula sa mga naging pagdinig ng House Quad Committee, para suportahan ang kanyang naunang isinampang kaso na drug smuggling case laban kay Duterte noong Hulyo 2024.

Bukod kay Duterte, kabilang sa respondents ng naturang drug smuggling case ni Trillanes sina dating Bureau of Customs chief Nicanor Faeldon at ang abogado na si Mans Carpio.

Ang drug smuggling case ay nag-ugat sa umano’y pagkakasangkot ni Duterte sa shipment ng 602.2 kilograms ng shabu noong Mayo 2017 na nakalusot sa BOC.

Ani Trillanes, ang affidavit ni Mark Taguba mula sa imbestigasyon ng House Quad Committee ay pinaiigting lamang ang alegasyon ng koneksyon ni Pulong sa kaso.

Share this