PRESYO NG PETROLYO, MAY BAWAS-SINGIL SA BUNGAD NG MARSO

Manila, Philippines — Abiso para sa mga motorista.

Bahagyang magaan ang pasok ng buwan ng Marso para sa gastusin sa petrolyo dahil sa naka-amba nitong bawas-singil ngayong linggo.

Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsyo ng mga oil firms ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa sa unang linggo ng buwan ng Marso.

Simula sa Martes, epektibo na ang mga naturang paggalaw sa presyo ng petrolyo.

• Gasolina – P0.90 / liter

• Diesel – P0.80 / liter

• Kerosene – P1.40 / liter

Sinundan ng rollback na ito ang naging taas-presyo sa petrolyo noong nakaraang linggo, katapusan ng buwan ng Pebrero.

Iniuugnay ng  Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ang pagbaba ng singil sa petrolyo ngayong linggo sa mababang fuel demand sa Korea, mas mataas na refined product inventories sa Estados Unidos, humuhupang geopolitical risk, at napipintong patong sa taripa alinsunod sa mandato ni US President Donald Trump na nagpapahina sa demand ng petrolyo.

Share this