IMPORT BAN SA POULTRY PRODUCTS MULA FRANCE, INALIS NA

Quezon City, Philippines — Tinanggal na ng Department of Agriculture ang temporary import ban na inilagay nito sa lahat ng mga poultry products na manggagaling sa France.

Alinsunod sa DA Memorandum order No. 13, ang pag-aalis nito ay bunsod ng ulat ng World Organisation for Animal Health (WOAH) na resolved na lahat ng kaso ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) sa France.

Simula rin ika-4 ng Pebrero, wala na ring anumang naiulat na outbreaks ng sakit sa naturang bansa.

Matatandaan na Setyembre noong nakaraang taon nang pansamantalang suspendihin ang pagpapasok ng mga poultry products mula france dahil sa outbreak ng bird flu.

Ngayong inalis na ang import ban, papayagan na muling makapasok sa bansa ang mga poultry products gaya ng karne, sisiw, itlog, at iba pang similar na produkto mula sa France.

“The lifting of the ban is expected to ease trade tensions and support the poultry industry, which has been adversely impacted by the restrictions,” DA secretary Francisco Tiu laurel Jr. said in a statement.

Sa kabila nito, magpapatuloy pa rin ang monitoring ng DA sa lahat ng shipments at quarantine protocols sa mga papasok na produkto sa bansa upang maiwasang maikalat ang sakit sa poultry industry sa Pilipinas.

Share this