GRAND BAKLAS OPERATION, IKINASA NG COMELEC SA UNANG ARAW NG LOCAL CAMPAIGNS

Manila, Philippines — Isa’t kalahating buwan bago 2025 National and Local Elections sa Mayo, mas pinaigting pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang Oplan Baklas operations sa mga campaign materials na lumalabag sa mandato ng ahensya.

Biyernes ng umaga, kahit hindi pa sumisikat ang araw, ikinasa na ng ahensya ang Grand Baklas Operation nationwide para tanggalin ang mga campaign materials na nakapaskil sa mga lugar na hindi kabilang sa mga pinahihintulutan ng Komisyon.

Pinangunahan ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia ang naging Baklas operation sa Pritil Area sa Tondo, Manila, kaisa ang Metropolitan Manila Development Authority at environmental group na EcoWaste Coalition.

Ang operasyon, ikinasa kasabay ng pagsisimula ng campaign period ng mga kumakandidato sa mga local positions ngayong halalan.

Kasabay nito, muli nyang pinaalalahan ang mga kandidato patungkol sa mga alituntuning umiiral at kailangang sundin ngayong panahon ng kampanya.

Share this