2 WEBSITES, INILUNSAD NG PAGASA AT QC DRRMO; RESCUE EQUIPMENTS AT PAGSASANAY SA MGA BARANGAY, IBINAHAGI RIN

Quezon City, Philippines – Bilang paghahanda sa mga napipintong buhos ng ulan sa bansa, nagpahayag ng mga kaukulang solusyon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QC DRRMO).

Sa pagsasama nina PAGASA Head Ana Liza Solis at Section Chief-operation QC DRRMO Ronald Datilles sa isang presscon kanina, naglatag ang dalawang opisyal ng mga hakbang laban sa mga banta ng malalakas na ulan, lalo na ng habagat na pumapasok sa Phillipine Area of Responsibility (PAR).

PANaHON 3D at I RISE UP WEBSITE

Isa ang PAGASA National Hydro-Met Observing Network (PANaHON 3D) website sa mga inilunsad ng dalawang organisasyon. Sa tulong ng website, mas maging aksesibol umano sa publiko ang pagbabantay ng panahon, ayon kay Solis.

Makikita sa ‘PANaHON 3D’ ang kasalukuyang temperatura, lakas ng hangin, at pressure ng panahon.

Samantala, inilunsad din ang “I RISE UP” website. Sa ilalim naman nito, maaaring i-monitor ang weather prediction sa mga lokal na barangay.

Ayon kay Datilles, makatutulong ang nasabing website para maging basehan sa pagsuspende ng klase lalo na sa mga kindergarten at grade levels sa bansa.

Sa kabila naman ng mga batikos patungkol sa mga late suspension ng mga klase, tiniyak din niya na mas aagahan ang pag-aanunsyo ng alas-kwarto ng madaling araw.

PAGHAHANDA SA MGA BARANGAY

Samantala nakapagbigay na rin ang mga nabanggit na kawani ng mga rescue equipment sa mga barangay lalo na sa mga flood prone areas. Nagkaroon rin sila ng mga pagsasanay sa mga miyembro kung paano magagamit nang tama ang mga ito.

Ani Datilles, “We also trained the barangay on how they can use those equipment, katulad na lang po ng boat handling and manuevering water search and rescue,”

Tiniyak nila na sa tulong ng inisyatibong ito, magiging handa at sapat ang kaalaman ng barangay sa pagreresponde.

Paalala din niya, maaaring humingi ng tulong ang publiko sa mga social media accounts ng DRRMO at tumawag sa QC hotline 112. | via Maren Calo

Share this