UNANG BATCH NG PILIPINO MULA SA ISRAEL, LIGTAS NA NAKATAWID PATUNGONG JORDAN

Manila, Philippines – Ligtas na nakatawid ang unang anim na Pilipino mula sa Israel patungong Jordan, ayon sa Embahada ng Pilipinas Amman.

Batay sa report ng embahada, nailigtas ng Jordan ang unang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Engr. Edsel Sarquilla noong June 18, 2025.

Tinanggap din nito ang apat na Pilipinong turista at isang worker ngayong June 19, 2025, bilang bahagi naman ng inisyal nilang paglikas.

Samantala, pinaghahandaan na ng Philippine Embassy in Amman ang pagdating ng mas marami pang Pilipino sa pamamagitang Jordan-Israel border sa mga susunod na araw.

Katulad ng pagsasagawa ngayon ng occular inspection sa border.

Nanatili naman na nakatuon ang atensyon ng embahada sa Amman sa pagbibigay ng kinakailangan tulong at suporta para sa repatriation ng mga Pilipino, bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang inisyatibong ito ay naging posible sa pamamagitan ng malapit na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at Amman.

Ang Embahada sa Tel Aviv ang tumulong sa mga turista sa pagtawid sa border ng Israel, nakipagtulungan sa mga awtoridad ng Israel, at nagbigay ng lahat ng kinakailangang suporta upang mapadali ang ligtas na pag-alis ng mga Pilipino mula sa Israel.

Kasabay nito, nakipag-ugnayan din ito sa Embahada sa Amman upang matiyak ang maayos na pagpasok ng grupo sa Jordan. | via Krizza Lopez, Eurotv News

Share this