ACM PARA SA ELEKSYON 2025, SINURI NG COMELEC

Laguna, Philippines – Nagsagawa ng inspekyon ang Commision on Election (COMELEC) nitong Nobyembre 13, Miyerkules ng mga gagamiting Automated Counting Machines (ACM) upang masiguro ang kahandaan nito para sa gaganaping eleksyon 2025 .

Nanguna sa inspeksyon si Chairman George Erwin M. Garcia matapos ipahayag na humigit umabot 85,000 sa inaasahang 100,000 na ang naipadalang ACMs ng suplayer nitong Miru Systems sa BiƱan, Laguna.

Mahigit 43,000 makina ang sumailalim sa hardware acceptance test (HAT) upang matiyak kung kumpleto ang mga gamit at ang functionality ng bawat makina.

Courtesy: COMELEC

Bukod dito, isinailalim din ang mga ito sa stress test para masuri ang katatagan ng mga ito sa pagbabasa ng balota.

Courtesy: COMELEC

Dagdag pa rito, sinusuri rin ang mga ACMs upang tiyakin na tugma ang nakasaad sa balota at ang output sa resibo.

Inaasahang gaganapin naman ang field testing sa Sabado, Nobyembre 16. Ang field test ay layon masuri ang kakayahan ng mga makina para sa tama at eksaktong bilang ng mga boto, at maipadala ang mga resulta nang maayos.

Share this