Binuksan ni Alex Eala ang kanyang 2025 season sa pamamagitan ng panalo kontra kay Arianne Hartono ng Netherlands, sa straight sets na 6-3, 6-3, upang makapasok sa quarterfinals ng Canberra International na ginaganap sa Australia.
Si Eala, na kasalukuyang Women’s Tennis Association #147, ay nagpakita ng lakas laban sa beteranong si Hartono, na may ranggong #165 kahapon, January 1.
Matagumpay siyang dumaan sa qualifying rounds para makapasok sa main draw ng laro.
Susunod niyang haharapin ang Australian player na si Taylah Preston, na may ranggong #170 sa quarterfinals.
Sa pagtatapos ng Canberra, sisimulan naman ni Eala ang kanyang kampanya para makapasok sa Australian Open qualifiers na magsisimula sa January 6.