Manila, Philippines – Ambulansya, pero walang laman na kahit anong medical equipment sa loob.
Ito ang tumambad sa mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ng parahin nila ang isang ambulansya ng ilegal itong dumaan sa kahabaan ng Santolan Station ng EDSA Bus Carousel.
Titiketan lang sana ito, ngunit ng bukasan at i-check ang loob, mistulan itong pampasaherong sasakyan.
Sa halip kase na mga oxygen tank, stretcher at iba pang first-aid equipmnet pang responde sa mga hindi inaasahang emergency, mga upuan gaya ng sa mga shuttlke service o van nakita sa loob ng sasakyan.
Pag amin naman ng driver nang tanungin kung bakit walang laman na medical equipment ang minamaneho niyang ambulansya, ginagamit daw talaga ang sasakyan bilang shuttle service ng mga pasaherong magpapa check-up pa lamang sa ospital.
Ikinagulat naman ito ni Special Operations Group (SOG) Head Rayson Dela Torre.
Aniya nakalaan lamang daw sa mga emergency operation ang lahat ng mga ambulansya gaya ng Patient Transport Vehicle (PTV).
Hindi rin daw dapat inaalis ang basic life support equipment at first-aid supplies sa mga ganitong klaseng sasakyan.
Nahaharap naman sa mga violation ang nasabing drayber, gaya ng Disregarding Traffic Sign (DTS) o illegally passing through EDSA Busway at binigyan din ito ng Temporary Operators Permit.
Wala namang maipakitang orihinal na kopya ng Official Receipt/Certificate of Registration ang drayber ng ambulansya kaya’t nakatanggap rin ito ng Failure to Carry OR/CR.
Sa kabuuan limang ambulansya ang natiketan ng DOTr-SAICT kabilang na dito ang ambulansyang nadiskubreng ginagamit bilang shuttle service.
Extro.
[MATS ONLY] MAY PIC DIN SA COMMENT SECTION