ANNE PATRICIA DIAZ, KINILALA BAGONG MIQ PHILIPPINES 2025

Manila, Philippines – Initanghal si Anne Patricia Lorenzo Diaz bilang bagong International Queen (MIQ) Philippines 2025 nitong Miyerkules, July 9, na ginanap sa SM Mall of Asia (MOA) Arena. 

Sinumulan ng mga kandidata ang coronation night, suot suot ang kanilang mga gown kung saan proud nilang inirampa ang kanilang mga puting kasuotan inspired by modern filipiniana.

Simula sa 43 na naggagandahang kandidata hanggang sa naging top 21 na ang mga ito, ipinamalas naman nila ang kanilang galing sa pagrampa suot ang kanilang swimsuit wear. 

Sa kanilang evening gown, tila hindi nagpakabog ang isa’t isa at talagang nagbigay ng awra at confidence ang bawat kandidata na sya ring magiging daan para makapasok sa top 5. 

Sa huling parte ng competition itinanghal bilang sina Maria Hard Napoles, Mikay Bautista, Kirk Popiolek, Anne Patcia Lorenzo Diaz at Michelle Bermudez bilang last queens standing.

Sa kanilang lima nasungkit ni Anne Patricia Lorenzo ang titulo bilang Miss International Queen 2025 kung saan siya rin ang ilalaban sa Thailand na gaganapin naman sa September 20, 2025.

Naging host naman sina Sean Kyle Ortega at si Jervi Li Wringson. Kabilang rin sa mga naging judges ay sina Miss Grand International 1st-Runner up Sam Bernardo, Filipino Designer Jojo Bragais, Filipino actor at model Teejay Marquez, at marami pa.—Migs Depositar, Contributor

Share this