ANTAS NG INFLATION SA PILIPINAS NOONG SEPT. BAHAGYANG BUMILIS SA 1.7%  — PSA | krizza

Manila, Philippines – Bahagyang bumilis ang galaw ng inflation rate sa Pilipinas noong September sa 1.7% bunsod ng mataas na presyo sa sektor ng transportasyon at pagkain. 

Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang sunod-sunod linggong pagtaas sa presyo ng petrolyo partikular sa gasolina at Diesel ang pangunahing nag-ambag pagbilis ng inflation rate. 

Mayroong itong 71.3% na ambag sa paggalaw ng infltation noong buwan ng Septyembre.

Habang sumunod ang food and non-alcoholic beverages sa mga commodity group na nag-ambag ng malaki sa pagbilis ng implasyon. 

Batay sa datos ng PSA, tumaas kasi ang presyo ng gulay, lamang-ugat, at iba, partikular dito ang mataas na presyo ng kamatis. 

Dahil din sa mabagal na pagbaba ng presyo ng cereals and cereal products, partikular ang bigas ang pagbilis ng inflation rate. 

Ikatlo ang mabilis na pagtaas sa presyo restaurants and accomodation services. 

Ani Mapa, pangunahing dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain ay ang mga pananalanta ng bagyo sa bansa nitong nagdaang mga buwan. 

Kapansin-pansin ang pagtaas ng inflation rate ng mga gulay sa 19.4% mula sa 10%. 

Habang bumaba ng bahagya ang presyo ng mga karne sa 6% mula sa 7.1%.

Bagamat mabagal, patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas sa -16.9% inflation rate mula sa -17%. 

Ayon kay Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan, ang bahagyang pagtaas ng inflation ay pagpapakita na madaling maapektuhan ang domestic food prices ng pagkaantala sa supply. 

Patuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan para mapanatili ang presyo ng mga pagkain, manatiling abot, at  maprotektahan ang mga warehouse sa gitna ng kalamidad.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this