ANTI-DANGLINE WIRE OPERATION, ISINASAGAWA SA MGA LUGAR SA QC PARA IWAS SA SUNOG

Manila, Philippines – Pinangunahan ng Anti-Dangling Wire Task Force, Department of Engineering, at MERALCO ang pagtatanggal ng mga buhol-buhol na cable wirings sa mga barangay sa Quezon City.

Layon ng inisyatibong ng lokal na pamahalaan na ayusin ang mga wires lalo na ang mga kable na hindi na gumagana at ang mga illegal wire na nakakabit na maaaring magdulot ng panganib tulad ng sunog.

Dagdag pa rito, nakipag-ugnayan naman ang pamahalaang lungsod sa mga internet provider, Meralco, telecommunication companies, at iba pang cable providers upang maisaayos ang mga ito.

Samantala, patuloy naman ang pagsasaayos ng mga wire sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City, na kung saan nauna nang nagsawa ng clearing operations sa Barangay Culiat at sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Pasong Putik. —Maren Calo, Contributor

Share this