APAT NA MANGINGISDANG NAWAWALA NATAGPUAN NA SA OCCIDENTAL MINDORO; ISA NASAWI

February 9 nang maiulat na nawawala ang apat na mangingisda na pawang mga residente ng Lian, Batangas sa katubigang sakop ng Occidental Mindoro. 

Nitong Sabado February 14 nang kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang bangkang pang-isda kaugnay sa isa pang fishing vessel na nasa layon 102 nautical miles of Cabra Island, Lubang, Occidental Mindoro. 

Kaagad na ipinadala ng PCG ang BRP Cape San Agustin sa lugar para magbigay ng karagdagang tulong at dito natagpuan nila ang FB MJ 2 na may sakay na apat na mangingisda. 

Ayon sa report nasira ang makina ng bangka at na nagpalutang lutang sa karagatan mula nang maiulat na nawawala. 

Sa kasamaang palad nasawi ang isang mangingisda sa apat habang nangailangan rin ng agarang medikal ang isa pang kasamahan nila dahil sa panghihina. 

Kahapon February 15, dumating sa port area ang mga mangingisda at nakauwi na rin sa kani-kanilang mga tahanan makalipas ang halos isang linggong palutang lutang sa karagatan. 

Samantala, nailigtas rin ang isa pang pasahero na tumalon mula sa isang roro passenger vessel sa karagatang sakop ng  Batangas Bay noong Biyernes february 13. 

Umalis ang barko na sinasakyan ng 519 na pasahero mula batangas port patungong Caticlan, Aklan nang tumalon umano ang pasahero ayon mismo sa pinsan nito. 

Sa kabila ng lagay at madilim na karagatan matagumpay na nailigtas ang pasahero matapos magdeploy ang PCG ng Rigid Hull Inflatable Boat, at High-Speed Response boat at rescue team.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon para matukoy ang posibleng pinagmulan ng insidente at tiyakin na nasunod ang safety protocols ng barko habang naglalayag. 

Share this