Washington DC — Nakatakdang magbigay ng bagong suplay ng mga armas ang Estado Unidos sa Israel, kinumpirma ito ng tatlong mambabatas.
Ang suporta ng administrasyon ni US President Joe Biden sa Israel ay nagkakahalaga ng $1 Billion na binubuo ng mga armas, at mga bala.
$700 million ang halagang nakalaan para sa bala ng tangke, $500 million sa mga tactical vehicles, at $60 million para sa mortar rounds.
READ: BIDEN ADMIN, TO DELIVER $1-B WORTH OF FIREARMS, AMMUNITION TO ISRAEL
Gayunpaman wala pang kumpirmasyon kung kailan ipapadala ang bagong suplay ng armas sa Israel.
Una nang nagbigay ng mga pampasabog ang US sa Israel sa pagpasok ng buwan ng Mayo na ginamit upang palakasin ang opensiba nito sa siyudad ng Rafah sa Gaza.
Mahigit pitong buwan nang nakikipagbakbakan ang Israel sa Gaza.
Mariin naman tinututulan ng ilang mambabatas sa US ang pagpapadala ng armas sa Israel.
Pinagpaplanuhan na rin House Republikans na maghain ng panukalang batas na magbibigay mandato sa pagpapadala ng mga armas sa Israel, pero ayon sa White House posible i-veto ni Biden ang nasabing panukala.