Manila, Philippines – Mga bigating artist ang ilan sa mga tampok na performer sa nalalapit na Aurora Music Festival 2026.
Sa social media post ng Aurora Festival inilabas na nila ang poster para sa nalalapit na event.
Nangunguna dito ang P-Pop boy group na Sb19 para sa unang araw. na sinundan ng IV of Spade, pop star royalty na si Sarah Geronimo, Ben&Ben, at December Avenue.
Para naman sa pangalawang araw tampok din Ang 90’s girl group na Sexbomb, Parokya ni Edgar, Kamikazee, at singer na si Kitchie Nadal.
Ang Aurora Music Festival o Clark Hot Air Balloon Music, Arts and Food Festival ay taunang ginugunita tampok ang iba’t ibang mga pagkain, arts, at music.
Ipinagdiriwang ngayong taon ang ika-lima ng edisyon nito.
Matatandaan naman noong nakaraang taon kabilang sa mga nagperform ay ang nation girl group na Bini, BGYO, Moira at marami pang iba.
Mabibili ang kanilang ticket na nagkakahalaga ng 1,000 pesos hanggang 5,000 pesos.
Gaganapin ang festival sa darating na May 2 at May 3, 2026 sa Clark Global City sa Pampanga.