AUSTRALIA, TUMANGGING MAGING HOST COUNTRY NI FPRRD SAKALING GAWARAN NG INTERIM RELEASE — REPORTS

Manila, Philippines – Hindi ikinokonsidera ng Australia na tanggapin si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bansa sakaling maaprubahan ang hiling nitong interim release.

Batay sa mga report, naglapag na ng kumpirmasyon ang pamahalaan ng Australia na wala silang balak na maging host country ni Duterte sakaling makalaya ito mula sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).

Ang kumpirmasyon na ito ay kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na isa ang Australia sa mga bansang pinag-aaralan nilang maaaring maging host country ng kanyang ama.

Sa interim release request ng kampo ni dating pangulong Duterte, sinabi nito na mayroon nang isang bansa, na hindi pinangalanan, ang handang maging host country nito, nang nakaayon pa rin sa mga batas at kondisyon ng icc.

Ang Australia ay isa sa mga bansang kasapi ng Rome Staute, na founding treaty ng ICC.

Ipinauubaya na rin ngayon ng Australia ang desisyon sa ICC.

Share this