MANILA, PHILIPPINES- Opisyal nang inilabas ng Alas Pilipinas ang AVC Womens Volleyball Team roster ngayong araw.
Mula sa ilang pictures ng kanilang press conference and roster presentation ay makikita ang mga manlalaro at ang mga tao sa likod ng AVC.
Maaalala na pangungunahan ng setter mula sa Creamline Cool Smashers na si Jia Morado-De Guzman ang Alas Pilipinas Team.
Kasama nito sa kanyang team ang sina Eya Laure at si Jennifer Nierva mula sa Cherry Tigo at si Sisi Rondina at Cherry Nunag mula Choco Mucho Flying Titans.
Present rin sa team ang players mula sa Akari Chargers na sina Fifi Sharma at Faith Nisperos. Kasama rin sa team sina Dawn Macandili-Catindig at Vanie Gandler mula sa Cignal HD Spikers at maging si Dell Paolomata mula sa PLDT.
Kasama rin nila sa kanilang team ang UAAP playes mula sa La Salle Lady Spikers na si Angel Canino, Julia Coronel at si Thea Gagate, maging si Bella Belen at Alyssa Solomon mula sa NU Lady Bulldogs.
Samantala, lalaban naman agad ang mga alas bansa sa Huwebes kontra Australia.
READ: JIA DE GUZMAN, SISI RONDINA, MAGBABALIK SA NATIONAL TEAM!