BAGONG BRANCH NG EAGLES 1 MARKETING CORP., PORMAL NANG BINUKSAN SA PUBLIKO

Quezon City, Philippines – Pormal nang binuksan ngayong araw, ang ikatlong branch ng bagong Eagle’s 1 Marketing Corporation na matatagpuan sa Brgy. North Fairview, Quezon City.

Pinangunahan ni CEO, Eagel’s 1 Marketing Corp. Jessie Royo, ang ribbon cutting ceremony ng bagong branch nito. Ayon sa isa sa miyembro ng Eagle’s 1 Marketing Corp., ang pagbubukas raw ng Fairview branch ay bahagi ng mas malawak na layunin ng kumpanya na mas palawakin pa ang operasyon upang marami pa itong matulungan.

Dagdag pa nito na bukod raw sa nakakatulong ang kanilang produkto sa kalusugan ng publiko nakakatulong din ito sa kanilang financial na pangangailangan.

Dinaluhan naman ng mga opisyal ng kumpanya, miyembro, at iba pang mga kasamahan ng Eagle’s 1, ang pagbubukas ng naturang kumpanya.

Ang Eagle’s 1 Marketing, ay mayroong iba’t ibang produkto na makatutulong sa pangkalusugan.

Samantala, matatagpuan naman ang iba pang branch ng Eagle’s 1 Marketing main branch nito sa Alabang at Candelaria branch kung saan bukas ito ng Monday hanggang Saturday, at Sunday.

Share this