Itbayat, Batanes — Pinuri ng National Security Council ang pagtatag bagong Philippine Coast Guard (PCG) station sa Itbayat, Batanes.
Personal na dinaluhan ni NSC Adviser Eduardo Año ang inagurasyon ng bagong PCG station sa isa sa maituturing na pinahilagang munisipalidad.
Ayon kay Año, sa pamamagitan ng proyektong ito, maitataguyod ay maritiem domain awareness at mapapalakas ang seguridad sa Luzon Strait.
“The establishment of this new monitoring station is a strategic move to enhance maritime domain awareness and strengthen security measures along the Luzon Strait, a vital international waterway,” ani Año.
BASAHIN: CHINA ADMITS AGREEMENT WITH AFP REGARDING ‘NEW MODEL’ IN AYUNGIN SHOAL
Binigyang diin din ni Año ang pagiging saksi ng Itbayat sa pagdami ng militar ng China bilang pagresponde sa mga pagbabago sa pagitan ng Taiwan at ng Estados Unidos.
“In 2022, the area around Itbayat witnessed a military build-up as China responded to political developments between Taiwan and the United States. China’s corresponding naval response was observed in the Luzon Strait,” dagdag pa ng kalihim.
Magsisilbing poste ang bagong PCG station upang makakalap ng maritime data, upang agad na makapgresponde ang ahensya sa anumang uri ng panghihimasok ng mga dayuhan.
Muli naman tiniyak ng kalihim na walang rehiyon sa bansa ang maiiwan sa pagtitiyak ng mapayapa, ligtas at progresibong bansa.