BAGYONG “PAOLO”, NABUO SA SILANGANG BAHAGI NG CATANDUANES; PAGASA PATULOY ITONG BINABANTAYAN

Isa nang ganap na tropical depression ang dating binabantayang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Catanduanes, ayon sa ulat ng PAGASA ngayong umaga.

Ganap na alas-8:00 ng umaga, Oktubre 1, pormal na idineklara ng PAGASA na naging bagyo na ang nasabing LPA at binigyan ito ng pangalang “Paolo”.

Si Paolo ang unang bagyo ngayong buwan ng Oktubre at ang ika-16 na tropical cyclone na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.

Patuloy na binabantayan ng ahensya ang galaw ng bagyo at inaasahang magdadala ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.

Pinapayuhan ang publiko, lalo na sa mga lugar na malapit sa track ng bagyo, na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Asahan rin ang mga regular na update mula sa PAGASA para sa pinakabagong impormasyon ukol sa Bagyong Paolo.

Share this