Manila, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) matapos itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Pinangalanan itong Bagyong Paolo ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA ngayong Huwebes, Oktubre 2.
Sa initial na ulat, huling namataan ang bagyo 35 kilometro mula sa Infanta, Quezon, taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna, at may pagbugso ng hangin na hanggang 80 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran (northwest) sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sa pinakabagong monitoring ng PAGASA, iniulat na huli nang namataan si Bagyong Paolo sa layong 615 kilometro silangan ng Infanta, Quezon, na nagpapakita ng mabilis na paggalaw at pagbabago ng posisyon ng bagyo habang patuloy itong tinutunton ng mga eksperto.
Patuloy ang pagmo-monitor ng PAGASA sa galaw at lakas ng bagyo, at pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag sa mga posibleng pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa lalo na sa mga lugar na maaapektuhan ng sama ng panahon.
Inaasahan ang mga susunod pang update habang pinapatnubayan ng ahensya ang paggalaw ng Bagyong Paolo sa mga susunod na oras.