Manila, Philippines – Pormal nang naging Tropical Depression Ramil ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa silangang bahagi ng Bicol region, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA nitong 5:00 AM, Oktubre 17, 2025.
Samanatala, itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Silangang bahagi ng Quezon
- Camarines Norte
- Catanduanes
- Camarines Sur
- Albay
- Hilaga at silangang bahagi ng Sorsogon
- Silangang bahagi ng Northern Samar
Dakong alas-4:00 ng madaling-araw, namataan si Ramil sa layong 1,145 km silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kph at bugso na hanggang 55 kph. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran nang mabagal.
Ayon sa PAGASA, may posibilidad pang lumakas si Ramil bilang isang tropical storm habang tumatawid sa Philippine Sea. Inaasahang dadaan ito malapit sa Catanduanes sa Sabado ng umaga o hapon, bago tumagilid pa-hilagang kanluran at mag-landfall sa Aurora o hilagang bahagi ng Quezon sa Linggo ng umaga o hapon.
Tatawid naman ito sa Northern o Central Luzon at lalabas ng West Philippine Sea. Posible rin ang karagdagang pag-intensify bilang severe tropical storm bago ito mag-landfall, habang hindi rin inaalis ang posibilidad ng mas timog na pagliko ng bagyo, na maaaring makaapekto sa mas maraming lugar sa Southern Luzon.