BALASAHAN SA PNP, MULING IPATUTUPAD NGAYONG ARAW

MANILA PHILIPPINES – Sa ikatlong pagkakataon muling magpatupad ng balasahan sa matataas na opisyal ng Philippine National Police si PNP Chief PGEN. Rommel Francisco Marbil mula nang ito’y manungkulan bilang hepe ng pambansang pulisya.

Sa inilabas na kautusan na epektibo ngayong araw manunungklulan bilang direktor ng Drug Enforcement Group si si Police Regional Office-Caraga Director Brig. Gen. Eleazar Mata

Papalitan ni Mata si Brig. Gen. Dionisio Bartolome, na ililipat sa Personnel Holding and Accounting Unit, Directorate for Personnel and Records Management.

Inilipat din ng Unit bilang pinuno ng Civil Security Group si PMGen. Edgar Allan Okubo mula sa Directorate for Police Community Relations.

Habang itatalaga si Maritime Group Director Brig. Gen. Romaldo Bayting bilang Area Police Commander (APC) Western Mindanao.

Papalitan ni Philippine National Police Academy Director Brig. Gen. Jonathan Cabal si Bayting.

Samantala, naupo si Maj. Gen. Leo Francisco bilang 48th director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa turnover ceremony sa Camp Crame, Quezon City nitong Biyernes.

Si Francisco ang humalili kay Maj. Gen Romeo Caramat Jr. na magiging Acting APC ng Northern Luzon. Kinakailangan ito upang umakyat si Caramat sa 3 star general o ang lieutenant general.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this