BAMBOO BRIDGE SA BRGY. POBLACION SA KALINGA, PANSAMANTALANG ITINAYO, MATAPOS MAWASAK NG BAGYONG UWAN ANG PONGOD BRIDGE

Tulong tulong ngayon ang mga residente ng Barangay Poblacion, Tanudan sa Kalinga, na itayo ang pansamantalang Bamboo Bridge na kanilang madadaanan tawid sa kanilang mga palayan at pinagtatrabahuhan.

Ang pagkasira ng Pongod Bridge na orihinal nilang tinatawiran na winasak ng Wagad Creek ay nakakaapekto ngayon sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Uwan ay nakakapaekto ngayon sakanilang mga hanapbuhay.

Ito kase ang nagsisilbing tulay ng karamihan sa mga residente doon na kapwa mga magsasaka para makatawid sakanilang sakahan.

Ito lang din ang daanan ng mga empleyado na residente ng Barangay Poblacion na pupunta sa Tabuk at Banagaw.

Malaki rin daw ang naitutulong ng nasirang tulay para makakuha ng mailinis na tubig ang mga taga poblacion sa potable water sa Dusik.

Share this