Sa pagtatapos ng Comelec En Banc, napagdesisyunan na aprubahan ang muling pagpapaliban ng Bangsamoro Parliamentary Election na nakatakda sana sa March 30, 2026.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kung naaayon sa batas at operasyon, hindi nila ito maaaring isulong para matuloy.
Paliwanag niya, kung usaping operasyon at paghahanda, hindi na umano nila kaya ang maisagawa isang buwan para isagawa pa ang BPE.
Habang, maghihintay na lamang sila ng batas mula sa kongreso na magtatakda ng opisyal na petsa kung kalian itutuloy ang eleksyon sa Bangsamoro.
Ngunit hiling ni Garcia na huwag na sanang umabot pa ng 2027 at Lalo na sa 2028 kasabay nang National election.
Dahil sa postponement ng BARMM, inanunsyo na rin ni Garcia na hindi rin maisasakatuparan ang calendar of activities na dapat magsisimula ang calendar period ngayong araw.
Magpapadala aniya ang Comelec ng paliwanag sa korte suprema kung bakit hindi maisusulong ang eleksyon sa march 30 dahil sa maigsing panahon na paghahanda.
Samantala, sinabi ni Garcia na hindi nagalaw ang pondong nakalaan para sa BPE.
Aniya, ang nagastos na 1.2 billion pesos na pag-imprenta ng balota para sa napostponed din na barmm election noong October 13, 2025, ay binayaran ng kongreso.
Kaya’t nananatili pa ring kumpleto ang pondo para sa kauna-unahang parliamentary Election sa BARMM.
Ito na ang ikalawang beses na ipinagpaliban ang Bangsamoro Parliamentary Election.
Una ay noong October 13, 2025 at ikalawa na ang March 30, 2026.
Maghihintay muli ang Comelec na magpasa ang kongreso ng panibagong batas na magtatakda ng tiyak na petsa para isagawa ang eleksyon.