BASILAN, IDINEKLARA NANG ‘ABU-SAYYAF FREE’

Lamitan City, Basilan — Sa isang simpleng seremonya noong Lunes, ika-9 ng Hunyo, opisyal nang idineklara bilang Abu-Sayyaf Group (ASG) Free ang lalawigan ng Basilan, na sa loob ng mahabang panahon ay itinuring na kuta ng teroristang grupo.

Pinangunahan nina Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. at Special Assistant to the President Antonio Ernesto F. Lagdameo Jr. ang naging pagtitipon kung saan pormal nang idineklara ang pagiging ASG-free ng probinsya.

Para sa mga Basileño, ito ay simbolo ng transpormasyon ng probinsya bilang isang dating sentro ng terorismo ngunit ngayo’y isa nang palatandaan ng kapayapaan at modelo ng peace and stability ng buong Bangsamoro region.

Muling binalikan ni Galvez ang sitwasyon sa Basilan noong sya bilang Brigade Commander ng Western Mindanao Command, at kinilala ang kagustuhan din ng mga mamamayan na mawakasan na ang karahasan at terorismo sa probinsya.

Conflict was at an all-time high and Basilan was bleeding. Yet amid the hardship, I saw the profound willingness of the people to put an end to the violence,” saad ni Galvez.

Kinilala naman ni Lagdameo ang naging papel ng mga sundalo, ng lokal na pamahalaan, at ng mga mamamayan ng Basilan sa pagkamit ng milestone na ito ng probinsya.

To our local leaders and the people of Basilan, this declaration is your victory. You chose peace. You opened doors for reintegration, for healing and for rebuilding lives. [You have shown] that terrorism cannot thrive when communities are strong, vigilant, and empowered, “ sabi ni Lagdameo.

Bukod sa naging deklarasyon, parte rin ng seremonya ang turnover ng 329 assorted loose firearms sa mga LGU ng Basilan at militar sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Share this