BAWAS SINGIL SA KADA KWH NG KURYENTE, ASAHAN NGAYONG DISYEMBRE AYON SA MERALCO 

Manila, Philippines – Magkakaroon ng bawas singil sa kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) para sa kanilang mga customer ngayong buwan ng Disyembre.

P0.3557 kada kWh o katumbas ng P13.1145 kada kWh ang overall rate na maibabawas na singil para sa isang pamilya na sapat lang ang kinokonsumong kuryente.

Sa mga tipikal na customer naman na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, nagkakahalaga ng P71 ang tapyas na singil sa kanilang kabuuang bill ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Meralco, resulta ito ng mas mababang transmission at generation charges kaya’t bahagyang naibaba ang singil sa kuryente kasabay ng nalalapit na kapaskuhan.

Sa kabila naman ng bawas singil, nagpaalala pa rin ang Meralco na ugaliin pa rin na tanggalin ang mga saksakan ng mga Christmas lights at iba pang appliances na karaniwang ginagamit ngayon holiday season lalo kapag hindi na ito ginagamit.

Share this