Manila, Philippines – Nailunsad na rin ng Department of Information and Communication Technology (DICT) sa Negros Island, Davao De Oro, Isabela, Zamboanga Del Norte ang Bayanihan Sim Project o libreng mga simcard na may 25GB data kada buwan sa loob ng isang taon.
Ipinamahagi ang mga ito sa mga mag-aaral, guro at kawani ng pampublikong paaralan sa mga nabanggit na lugar.
Layon nitong suportahan ang online learning ng mga estudyante gayundin ang access nila sa komunikasyon at iba’t bang digital services ng pamahalaan lalo’t karamihan sa mga ito ay nakatira sa liblib na lugar.
Bahagi pa rin ito ng layunin na mabigyan ng Free Wifi ang nasa 697, 780 target beneficiaries sa mga prayodiad na komunidad sa buong bansa na mahirap maabot ng internet access.
Matatandaan na una ng sinabi ng DICT na bawat sites na mapupuntahan ng nila, may nakalaan ditong higit 2,700 na libreng simcard para sa mga guro at edstudyate.
Kung sososbra ito sa bilang ng mga mag-aaral, ipamamahagi ang matitira sa natukoy na 4Ps beneficiaries sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, magkatuwang na naisasakatuparan ng pamamahagi ng mga simcard sa pakikipagtulungan ng DICT sa Smart Communications Inc, Department of Education (DepEd) at Department of the Interior and Local Government (DILG) habang pinapanatili naman ng Philippine National Police (PNP), at Department of Health (DOH) ang kaayusan at kaligtasan habang isinasagawa ang aktibidad ng pamamahagi.