Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Nationa Police (PNP) ang nasa 34.3 million pesos na halaga ng iligal na droga sa magkakaibang rehiyon sa Mindanao.
Ang mga nakulimbat na iligal na droga ay mula sa mga operasyon na isonagawa ng mga awtorodad sa Caraga, Davao, at Soccsksargen sa isang compound ng Orgon Wood Industries, Inc.
Nasa 1,623 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 11 million pesos at 348 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng 41,780 pesos ang galing Caraga;
565.9 grams naman ng shabu na nagkakahalaga ng 3.8 million pesos at 16,072 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng 1.9 million pesos mula sa Soccsksargen; at
2,09 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 13.7 million pesos at 31,178 grams ng marijuna na nagkakahalaga ng 3.7 million pesos sa rehiyin ng Davao.
Samantala, naaresto naman ng mga pulisya ang isang suspek sa Caloocan City at nasamsam ang 6.8 million pesos na iligal na droga sa isang buy bust operation.
Kinilala ng suspek na isang aircon technician sa alias Francis.
Nasa isang kilo naman ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Mahaharap naman ng suspek sa kasong pagalabag a RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.