Baguio City, Philippines – Pinapalawak na ng Department of Agriculture (DA) ang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “Benteng Bigas, Meron na!” na naglalayon na mas mapalawig ang mga lugar na makakaabot ng 20 bigas per kilo.
Sa tulong ng National Food Authority (NFA) at Food Terminal Inc. (FTI), nakarating na sa La Union, Baguio City ang 150 bags of rice na nagkakahalagang 20 pesos per kilo na siyang kabilang sa mga plataporma ng Pangulo.
Nais pang palawigin ng DA kasama ang iba’t ibang Local Government Units (LGUs) ang mga lugar kung saan makaka tulong sa mga miyembro ng 4Ps.
Kabilang din sa mga benepisyaryo ang mga senior citizens, solo parents, at persons with disabilities (PWDs).
Ayon kay DA secretary Francisco Tiu Laurel, nais nila na mas lumawak ang sakop ng mga Pilipino na makakakuha ng Benteng Bigas.
Sa ngayon ay umaabot na sa 162 ang mga lokasyon kung saan maaring maka bili ng benteng bigas
Kasama na din diyan ang Kadiwa outlets ng Pangulo kung saan ay maari rin na makabili ng iba’t ibang gulay at prutas upang sumuporta sa mga produktong lokal –Esky Zafra, Contributor