Sa pamamagitan ng programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-5) sa Bicol na Special Area for Agricultural Development (SAAD) program, ay binibigyan nito ang samahan ng mga mangingisda sa rehiyon na pagandahin ang kanilang pangkabuhayan.
Sa isang interview, sinabi ni BFAR-Bicol spokesperson Rowena Briones na ang mga miyembro ng Poblacion Fisherfolk Association sa Sorsogon at iba pang grupong mangingisda ay natutunan na ang mga sustainable practices para sa fish processing at sa paggawa ng mga high-quality products.
Naturuan na rin ang Poblacion Fisherfolk Association mula sa bayan ng Barcelona ng tamang paraan ng paggawa ng smoked fish (tinapa), katulad ng training na ginawa para sa San Vicente Tilapia Growers Association mula sa San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Samantala, mayroon namang on-going na training para sa samahan ng mga mangingisda sa Sta. Magdalena, Sorsogon habang may mga susunod naman na training sa mga bayan ng Gigmoto (May 21 hanggang 23) at Panganiban (May 28 hanggang 30), maging sa Catanduanes; Sta. Elena, Camarines Norte (May 28 hanggang 30); Castilla, Sorsogon (May 30 at 31).
Sinabi rin ni Briones na nagsuusmula na silang maglista ng mga potensyal na maging scholar ng BFAR’s Fisheries Scholarship Program.
Anito ay ang mapipili para rito ay ang mga estudyante na kukuha ng kursong Bachelor of Science in Fisheries course para sa school year 2025-2029. 26 na slot ang mayroon para rito.
Ang huling araw ng paga-apply para rito ay sa August 15, 2024 habang ang nationwide qualifying exams naman ay nakatakda na sa Oktubre.