Davao City, Philippines – Kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental, naiulat ang pagtagas ng kemikal sa ika-6 na palapag ng San Pedro College sa Davao City.
Agad na rumesponde ang BFP Special Rescue Force (SRF) Davao City sa insidente at kasalukuyang nagsasagawa ng containment operations upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Sinisiguro rin ng mga awtoridad na nasusunod ang mga tamang safety protocols sa lugar.
Patuloy ang koordinasyon at mga operasyon ng pagresponde sa insidente.
Samantala,pinagiingat ng PHIVOLCS ang mga residente sa lugar matapos ang ilan pang aftershock na maaaring yumanig sa Manay, Davao Oriental.