BI, WALANG RECORD NG PAGLABAS NI ATONG ANG SA PILIPINAS

Manila, Philippines – Malaki umano ang posibilidad na nasa Pilipinas pa rin ang wanted na gaming tycoon na si Charlie ‘Atong’ Ang, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Pahayag ni Immigration Spokesperson Dana Sandova, walang record ang immigration ng paglabas ni Atong Ang sa mga airports o kahit maging sa mga pantalan para makaalis ng Pilipinas. 

Ngunit kung sakaling nakatakas na sa Pilipinas si Ang, iginiit ng opisyal na pisibleng nakalabas ito gamit ang backdoor. 

Illegal na ruta kung saan karaniwang idinadaan ng mga tao na biktima ng human trafficking. 

Tiniyak naman ni Sandoval ang kanilang pakikipagtulungan sa mga otoridad sa pagbibigay ng mga impormasyon kaugnay sa mga illegal na ruta. 

Naglabas ng pahayag ang Immigration kasunod ng naging pahayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakikipag-ugnayan na sila sa kanilang mga counterparts sa Vietnam. 

Matapos pagsuspetyahan na nasa Vietnam na si Atong Ang, base sa impormasyon ng intelligence. 

Ilang beses nang may sangkot na indibidwal ang inimebestigahan ng otoridad ang tumakas sa pamamagitan ng backdoor route. 

Isa na riyan si dating Bamban Mayor Alice Guo o si Gua Huaping at mga kapatid nito na naharap sa kasong qualified Human trafficking dahil sa umano’y operasyon illegal na pogo. 

Dahil sa mga insidente ng human trafficking, mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Coast Guard, lokal na pamahalaan at iba pang law enforcement agencies ang mga backdoor exit.—Krizza Lopez, Eurotv News 

Share this