BILANG NG MGA NAMATAY DULOT NG 6.9 MAGNITUDE NA LINDOL SA CEBU, TUMAAS PA SA 60 KATAO: OCD

Manila, Philippines – Tumaas na sa 60 katao ang nasawi matapos yanigin ng 6.9 magnitude ang Bogo, Cebu, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD). 

Ayon kay OCD officer-in-charge assistant Secretary Bernardo Alejandro IV, patuloy pa rin ang mga impormasyon na natatanggap nila kaugnay sa bilang ng casualties. 

Batay sa datos, anim na pung katao na ang nasawi dahil sa lindol.

Habang wala pang tukoy na bilang ng mga tao ang napaulat na nawawala. 

Sa direktiba na rin ni pangulong Ferdinand Marcos Jr., inuutusan nito ang mga ahensya na asahan nang mangangailangan ng mga biktima ng tubig at iba pa. 

Sa panig ng OCD, nagpadala ng search and rescue team, mula iba’t ibang ahensya ng mga uniformed personnel. 

Ayon kay Alejandro, nakapagbigay na ng readily available relief goods, lalo na ang tubig para sa mga biktima ng lindol. 

Sa paunang pagsusuri ng OCD, malaking bilang ng mga bahay ang nasira.

Isinasapinal pa ang bilang ng mga ito.

Ayon kay Alejandro, nakatanggap sila ng report na napupuno na ang bogo city district ospital, kung saan maraming nadadala na nasugatan. 

Bagamat bukas ang linya ng OCD para sa paglilipat ng mga nagtamo ng sugat, suliranin ang pagkakaroon ng stable na connection. 

Tumama ang sentro ng lindol sa Bogo, Cebu kagabi ng 9:59 pm , ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).-Krizza Lopez, Eurotv News

Share this