BILANG NG MGA NAMATAY SA HAJJ PILGRIMAGE, HINDI BABABA SA 1.3K

Mecca, Saudi Arabia- Naitala na sa mahigit 1,300 ang bilang ng mga namatay sa hajj pilgrimage sa saudi arabia dahil sa matinding init ng panahon.

Base sa report ng official saudi press agency, karamihan pa sa mga dumalo sa pilmgrimage, hindi otorisado o walang permiso na pumunta dahil sa limitadong bilang ng mga otoridad.

Umabot na ng mahigit isang libo ang nasawi at karamihan sa mga ito ay hindi rehistrado ngunit nagpunta pa rin.

“Regrettably, the number of mortalities reached 1,301, with 83 percent being unauthorized to perform hajj and having walked long distances under direct sunlight, without adequate shelter or comfort,” Ayon sa Official Saudi Press Agency.

Dagdag pa rito, mula sa iba’t ibang bansa ang mga namatay at ilan dito ay may mga edad na o di kaya naman ay mayroon nang iniindang sakit.

Ayon sa Saudi Arabia’s National Meteorological Center, umakyat na sa 51.8 degree Celsius ang init sa Mecca nitong taon.

Pahayag pa ng awtoridad ng Saudi, ang mga Muslim na walang permiso na dumalo ay hindi rin maaaring makagamit ng mga pasilidad na air-conditioned na magsisilbi sanang panangga sa init ng panahon.

Kaugnay nito, maaari pang mabago o tumaas ang bilang ng mga nasawi bunsod ng pilgrimage sa Mecca, lalo’t naghihintay pa ng datos mula sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share this