Manila, Philippines – Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong itinuturing ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Systems (SWS) para sa buwan ng Hunyo.
Sa SWS 2nd Quarter national survey noong ika-25 hanggang ika-29 ng Hunyo, naitala sa 49& ang self-rated poverty sa mga pamilyang ilipino, mula sa 50% noong nakalipas na buwan.
Ang porsyentong ito, katumbas ng 13.7 million na mga pamilyang Pilipinong ikokonsidera ang knailang mga sarili bilang mahirap, mula sa 14.1 million noong Abril.
Pinakamataas ang naitalang self-poverty rate sa Mindanao na may 69% nitong Hunyo—walong puntos na mas mataas kumpara sa tala noong abril.
Batay sa resulta ng parehong survey, P10,000 ang kinakailangang budget ng isang pamilyasa Mindanao kada buwan upang hindi nila ikonsidera ang mga sarili bilang mahirap.
Ikalawang pinakamataas na self-poverty rate naman ang naitala sa Visayas na may 60%, 7 puntos na mas mababa kumpara noong Abril.
Sa Visayas, tumaas sa P12,000 ang Self-rated poverty threshold ng mga pamilya upang hindi maituring na mahirap.
38% ang naitalang self rated poverty sa Luzon, habang pinakamababa naman ang SRP sa Metro Manila na may 36%.
Sa kabila ng mababang self-poverty rate, mataas naman ang SRP threshold sa Metro Manila na nagkakahalaga ng P20,000, habang P10,000 naman sa Balance Luzon.
Sa kabilang banda, naitala naman sa 41% ang Self rated food poverty sa bansa, na katumbas ng 11.6 million na mga pamilyang Pilipino. Hindi ito nagbago mula sa resulta ng April survey ng SWS.
Pinakamataas ang self-rated food poverty sa Mindanao na may 60%, sinundan ng Visayas na my 44%, 34% sa Balance Luzon, at 31% naman sa Metro Manila. —Mia Layaguin, Eurotv News