Manila, Philippines – Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Mayo 2025, ayon sa paunang resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa datos, nabawasan ng 29,000 ang mga Pilipinong walang trabaho mula sa 2.06 million noong Abril bumaba sa 2.03 million noong Mayo — tinatayang nasa 3.9% ang unemployement rate sa Pilipinas.
Kaugnay nito, tumaas ang mga may trabaho at negosyo sa 96.1% mula sa 95.9% noong April.
Ibig sabihin, tinatayang nasa 1.62 million ang nagkaroon ng pinagkakakitaan.
Ayon kay National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa, ang pagtaas sa datos ng employment rate on a Month-on-Month basis ay nagmula sa sektor ng: Agriculture and forestry, Accommodation and food service activities, Other service activities, Manufacturing, at Education.
Samantala, nagkaroon ng malaking pagbaba sa employment sa mga sektor ng mga sumusunod: Fishing and aquaculture; Administrative and support service activities; Wholesale and retail trade; Repair of motor vehicles and motorcycles.
Ayon kay USEC. Mapa, unang dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga may trabaho sa agrikultura ang panahon ng anihan sa mais, palay, at mga pampalasa.
Bukod sa employment rate ng agriculture, nakapag-ambag din on a year-on-year basis ang sektor ng wholesale and retail trade na may dagdag na 489k na trabaho.
Ani Mapa, may magandang epekto ang mga labor intervention mula sa gobyerno at private sector para tumaas ang employment rate sa bansa.
Samantala, naiuugnay sa panahon ng tag-ulan ang pagbaba ng mga may trabaho sa construction sector habang dahil sa pagbaba ng produksyon ng plastik ang nagbunsod sa pagbaba sa bilang ng mga may trabaho sa manufacturing. – Krizza Lopez, Eurotv News