Manila, Philippines – Hahalungkatin na rin ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax returns at payment ng mga contractors na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo “Jun” Lumagui Jr., agad niyang inatasan ang mga opisyal ng ahensya na magsagawa ng parallel audit.
Sandaling mapatunayan na kulang ang buwis na kanilang ibinayad sa aktwal na halagang dapat nilang bayaran o kaya naman sinadya nilang hindi magbayad ng buwis kabilang na dito ang paggamit ng pekeng resibo, hindi pagdeklara ng kanilang kinikita, hindi rehistradong mga negosyo o hindi pag-file ng income tax returns.
Hindi sila bibigyan ng updated tax clearance at isususpinde ng BIR ang kanilang final settlement ng kanilang kontrata.
Madidiskwalipika rin sila kahit anong proyekto ng gobyerno.
Ang mga ghost project naman sa flood control project ay hindi rin kikilalanin ng BIR, nangangahulugan na lahat ng idineklara ng kumpanya na gastos ng proyekto ay hindi valid dahil guni guni lang ito at hindi talaga naipatayo.
Magkakaroon naman ng tax deficiency, penalties at interest ang sinumang mapapatunayan responsable sa naturang ghost project.
Titiyakin naman ng BIR ang pag-aaksaya ng mga ito sa buwis ay may katapat na kaparusahan.
Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na ipagbigay alam sa kanila ang mga contractors na iresponsable sa pagbabayad ng tamang buwis.