BOC, NAGBABALA SA MGA SMUGGLERS NA NON-BAILABLE ANG ILEGAL NA PAG-AANGKAT NG BIGAS

Manila, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) laban sa mga smugglers na non-bailable o walang piyansa ang kaso na isasampa sakanila sandaling mapatunayang lumabag sila sa batas, lalo kung higit sa P1-M ang kanilang inangkat na bigas na hindi dumaan sa tamang proseso. 

Ayon kay Custom Commissioner Ariel Nepomuceno mahaharap ang mga ito Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ang babala ay kasunod ng 60-day import ban sa bigas na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang protektahan ang lokal na mga magsasaka ng bansa, gayundin ang kanilang mga inaaning palay.

Saklaw rin ng nasabing batas na ang mga smugglers at kasabwat nito ay maaaring makulong at pag multahin ng doble ng halaga ng ipinuslit na produkto kasama ang hindi binayarang buwis at taripa.

Binigyang diin din ni Nepomuceno na mahalaga ang kautusan ng Pangulo na nagsisilbing hakbang upang maprotektahan hindi lang ang mga farmers kundi ang buong sektor ng agrikultura ng bansa. 

Tiniyak naman ng BOC na paiigtingin ng kanilang ahensya ang pagpapatupad ng batas sa lahat ng pantalan at opisina ng Customs.

“As part of our efforts to combat smuggling and illegal trade, the BOC will continue to ramp up its operations to safeguard the agricultural sector,” ani Nepomuceno.

“We are committed to upholding the integrity of the rice market, and we will do everything in our power to prevent any illegal importation that undermines the President’s decision,” dagdag pa nito.

Matatandaan na nitong Hulyo, mahigit P354 milyon na halaga ng smuggled agricultural product ang nakumpiska ng BOC.—Lloyd Demependan, Contributor

Share this