MANILA PHILIPPINES– Sa pinaigting na kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga, matagumpay na naharang ng Bureau of Customs- Ninoy Aquino International Airport ang Humigit kumulang 6,000 gramo ng hinihinalang shabu sa Customs Arrival Area ng NAIA Terminal 3.
Dumaan sa flag routine x-ray check ang bagahe ng isang Swiss national na mula sa Abu Dhabi.
Natagpuan sa bagahe nito ang kahina-hinalang apat na pakete ng puting kontrabando na nakatago sa loob ng bag.
Kinumpirma ng PDEA K9 Unit at spectrometer test na nagpositibo ang illegal substance sa Methaphetamine.
Sa isinagawang standard procedure, inaresto ng awtoridad ang foreigner dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Dinala ang illegal na droga at ang swiss national sa ilalim ng kustodiya PDEA para sa imbestigasyon.
Ayon sa pahayag ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, hindi magiging gateway para sa ilegal na droga ang Pilipinas.
“This operation is a clear message to international drug syndicates: the Philippines will not be a gateway for illegal drugs. Our ports and airports remain under strict watch,”
Binigyang diin naman ni District Collector Alexandra Y. Lumontad ang tagumpay ng operasyon ay ang walang patid na pananagutan ng BOC na protektahan ang borders ng Pilipinas.
“This success highlights the unrelenting commitment of the Bureau of Customs to secure our borders. Our enforcement efforts will continue to intensify in coordination with our partner agencies.” –Eulezes Sanhorho, Eurotv News Contributor